Thursday, January 13, 2011

bintana [song interpretation]

[bago ang lahat ito pang kathang ito ay base sa  sa isang kantang di ko pag-aari , the song is titled Bintana crafted by sir SiobalD and repablikan syndicate, ang inyong pong mababasa ay mula sa imahinasyon ng bangag kong utak :))]


ang kwento--> :

Masikip na mga eskinita, dikit-dikit na mga tirahan na di mawari kung bahay nga ba ng tao o lungga lamang, mga magugulong kapitbahay at mga lasenggong kalalakihan na mga nakahubad na tumotoma. yan ang nakasanayan kong makita kapag nandito ako sa kalye Tikas . 

ganyan na ang nakagisnan kong pamayanan simula  pagkabata kaya akin nang nakasanayan, di na rin bago sakin pag may nagkapanuntukang mga lasing pagkatapos uminom.  

dito ako sa maynila pinanganak ng nanay dahil nang lumipat sila ni tatay dito sa manila eh dala nako ni nanay sa tiyan niya.
 
di ko alam kung bakit lumipat ang mga magulang ko dito sa maynila ilang taon na ang nakalipas nung binaha sila sa probinsya , siguro naniwala sila na mas may magandang kinabukasan kapag dito sa maynila namasukan sa mga pabrika't mga matapobreng mayaman . 

sa ngayon wala na ang mga magulang ko , parehas na silang namayapa (sumalangit nawa )
namatay si nanay pagkapanganak kay Jasmin, at sumunod naman si itay nitong nakaraang taon dahil sa TB.

ako nga pala si Jim, palayaw ko lang yun , kahaba kasi ng pangalan na binigay ng erpat ko sa akin 
:   Jaime  Ponce De Chavez.  para daw mag mukhang kagalang- galang ako at baka maging atorni daw ako balang araw.

Isang araw pagkatapos kong ihatid si Jasmin sa school nila eh napag tripan ko na gumala mag-isa ,di ko alam kung san ako papunta basta kung saan na lang ako dalhin ng aking mga paa.

sa paglalakad ko sa overpass iba't ibang mmukha ng tao nakikita ko, merong mukhang executive na nka polo at kurbata pa pero sa totoo eh mukang tanga kasi di bagay sa kanya yung suot niya, merong mga ale na hawak mga anak nilang nag-iinarte at nagpapabili ng kung anong madaanan kahit na yung sipon sa ilong eh nagmimistulang number "11" na sa haba.

meron din namang mga lalaki na mukhang goons pero nung narinig kong salita eh parang gusto kong bmulanghit ng tawa nang malaman kong bading pala ang mga gago, pero higit sa lahat pinakagusto kong tinitingnan yung mga babaeng estudyante pag umaga na papasok sa kanilang mga eskwela .

hindi naman ako pangeit kung tutuusin pero bigo ako sa pag-ibig, mestiso naman ako, matangos ang ilong at tama lang ang height ko na 5'8 sa katamtaman kong katawan .

ilang beses na ako umibig, una ko pa ngang naging syota eh yung katabi ko nng grade 4 ako eh, yun ata yung tinatawag na "puppy love" kunsabagay ancute nga naman ng ex kong yun dati pero di ko alam kung bakit siya sinumpa ni kupido at nagmukha na siyang aso ngayon tsk. tsk. tsk.

habang naglalakad at binubusog ang mata "kakaispot" ng mga chiks eh may bigla akong nabangga
tumatakbo siya nang mabilis kaya medyo malakas ang impact nung nagkabungguan kami, at parehas kaming napaupo bigla sa sahig ng overpass at naging dahilan upang mapansin ng maraming tao

"ay kuya sorry!, pasensya na nagmamadali ako eh" pagpapaumanhin ng nakabangga ko
"ayos lang, "  sagot ko pero di padin ako tumitingin sa kanya dahil abala ako sa pagpagpag sa pantalon ko, salamat sa mga naglilinis ng overpas at nadumihan ako ng alikabok.
"Sorry po talaga! kasalanan ko hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko"
at bigla akong napatingin sa kanya, SHET! ang GANDA  niya naisip ko, habang inaalalayan ko siya patayo, bagay yung boses niyang malambing sa mukha niyang mala-anghel nasambit ko sa sarili ko.

pero kung gaano siya kabilis niya akong binangga  eh ganun din siya kabilis umalis at iniwan akong mag-isang nakatayo na parang walang nangyari .

ngunit may napansin akong bagay na nakahandusay sa sahig-yung I.D. niya naiwan.

tiningnan ko ang detalye ng i.d. niya

"Name: Angelica Monique Sy
 Section: IV-Piety
 If found please refer to the ff. no. : 555-**** "

napangiti ako bigla kaso , nawala din agad nang mapansin kong sa isang eksklusibong eskwelahan siya nag-aaral, na kahit magkargador pa ako sa superferry  eh aabutin ako ng 20 taon makabayad lang ako ng pang tuition fee eh baka kulangin pa din.

"badtrip taena, pangalan pa lang ng school eh ginto na , at dyahe naman pag pinuntahan ko baka salubungin ako ng sekyu na may dalang gintong batuta o kung minalas eh tumawag ng parak sabihin nasa sindikato ako at kikidnapin si ms. beautiful" 

at hanggang dun na lang ang binabalak kong pagsauli sa I.D. ng magandang binibini pero di ko alam bat kinikilig ako at nagvivibrate mga kalamnan ko at napapngiti ako na parang may kontang habang naglalakad pabalik kung san ako galing.

11:20 na nang makarating ako sa eskwelahan ni Jasmin, lunch break  kaya sinundo ko siya at sabay na kami pauwi. at dahil masaya ang umaga ko naisipan kong ilibre ang kapatid ko.

habang nasa karinderya kami eh, nakipagkwentuhan ako sa kapatid ko:

" parang katakaw mo ngayon bunso ah? kumusta umaga mo?"
" badtrip kuya eh"
"bakit naman? may nalalaman ka pang badtrip ngayon hahaha"
"nag-away kami ng boypren ko eh"
sa akto pa namng iyon eh, kakasubo ko pa lang ng pagkain at nang marinig ko ang sinabi nang kapatid ko eh nabilaukan ako bigla
"ahak,ahak eehk."
"oh, kuya eto tubig bakit naman nabilaukan bigla?"
"HUTANA! GRADE 3 KA PA LANG MAY BOYPREN KA NA KABATA MO PA!"
"hallerr!?? si kuya naman 9 na kaya ako noh"
"o diyos mahabagin anong nangyayari sa buhay ko?" at napa sign of the cross ako nang di inaasahan.

kinagabihan ay di ako makatulog , hawak ko ang i.d. niya at tutok ang aking dalawang mata sa mumunting larawan niya . 
mahaba ang buhok niya abot hanggang sa likod , singkit ang mata niya at malamang maay lahing intsik o hapon o sadyang ganun lang talaga sa lahi nila na parang egyptian sa medyo singkit na mga mata, matangos din ang ilong niya  sinamahan pa ng mga dimples at kaaya-ayang labi in short- mukha siyang DIWATA o NIMFA o SIRENA  basta siya ay maganda .

lumipas ang ilang araw at may naisip akong ideya: ihahatid ko na lang ang i.d. niya sa kanila. 
kaya kinausap ko ang barkado kong si Tomas upang hiramin yung Mio niya, para kahit papano may porma naman akong pupunta sa kanila.

at di naman ako nabigo at pinahiram ako ng ugok  pagkatapos ng 5 minuto na malulutong na bilin na halos puro mura lang ang naintindihan ko  basta wag ko daw gasgasan yung "baby niya"

 mga  humigit kumulang na 30 minutes ang tinakbo ng scooter ni Tomas makarating lang sa address na nakasulat sa I.D. niya at pagkarating ko sa gate ng subdivision ay  kinabahan ako ng makita ko ang mahigpit na seguridad sa lugar na ito . parang gusto ko nang bumalik nang may biglang pumaswit sa may guard house

*pssSStTT!
napalingon ako at nakita ko ang kapitbahay naming si mang Justo ,tinanong niya ako kung bakit ako naparoon at ang sinabi ko ay may dadalawin lang na kaibigan, kaya ayun at pinapasok din niya ako kapalit ang suhol na isang kaha nang Malboro lights sa kalapit na tindahan ~wew

di naman ako nahirapan hanapin ang bahay ni Ms. Ganda, tumambad sa harap ko ang isang malaking bahay na kung susumahin ko ay ilang milyones ang halaga magawa lang.
bagama't may kaba sa dibdib ay lumapit ako sa gate at pinindot ang doorbell nang marahan 

*ding-dong

wala, naghintay ako nang ilang sandali pero walang sumasagot kaya tumalikod ako at umakmang uuwi na nang biglang bumukas ang gate na lumikha nang isang marahan na tunog na nakakangilo.
=======================TO BE CONTINUED===========================